From ZamiiRoidz to Roidz Pictures

my new Boot screen

boot screen

Dear CenTree (short story)

Finally! After 1 week we’re back at school!

My name is Ellie, 18, nature lover, hindi masyadong maganda, at least hindi chaka,  estudyante ng Bicol University. Status: MU (Mag-isang Umiibig)

1 linggo pagkalipas ng bagyong Glenda,

          Ito nanaman kami, balik buhay estudyante. Excited akong pumasok dahil 1 week kong hindi nakita mga friends ko, mga kabaliwan ko, mga ka-joke time ko, at sige, isama na natin mga crush ko.

          At dahil sa bumagyo nga, wala akong balita sa kanila. Wala eh, nasira yata halos lahat ng utilities sa amin. Walang kuryente, walang signal, walang internet, and thank God! Buti nalang hindi nawalan ng tubig!

          Ako? Ok naman ako, matino at maayos pa naman bahay namin. Di naman kami masyadong naapektohan ni Glenda. Medyo nasira nya lang naman ang social-life ko.

Anu na kaya nangyare sa BU?

          Suamakay ako ng jeep papunta sa school. Ang saya-saya ko kasi feeling ko nakawala ako sa boredom ng bahay namin. Mayamaya, narinig kong nag-uusap yung mga katabi ko, hindi naman sa chismosa ako pero malakas talaga sila mag-usap, so I heard everything that they were saying. Hanggang sa nanlumo ako sa narinig ko.

Girl: grabe nakakaiyak! Wala na daw ung centennial tree! Nabuwal daw as in!

Ouch! Parang kinurot yung puso ko sa sinabi ni ate. Parang di ko matake! Madalas akong tumambay dun eh.

          Bumaba ako ng jeep at dumeretcho ako sa room namin. Pagdating ko, sinalubong ako ng crush ko. Ayie! Kinilig ang lola nyo, nawala tuloy sa isip ko ung centree.

Linapitan nya ako at nagtanong…. About sa project namin…. -_-nadissapoint tuloy ako. Kala ko pa naman kung ano na, yun lang naman pala.

        Wala kaming proff sa sunod naming subject. So naglakas loob ako na pumunta sa centree. Malayo palang ako tanaw ko na yung puno. Grabe, sobrang nabuwal nga, ugat na pala ng centree yung nakikita ko na nakatayo. Linapitan ko yung puno. Tinitigan ko. Pinilit ko na hindi umiyak, pero parang mas  sumusurface yata luha ko habang pinipigilan ko ang sarili ko.

          Di ko na kinaya, onting-onti nalang papatak na luha ko. Nararamdaman ko na ung liquid sa mga mata ko nang biglang may tumawag sa akin.

Ellie! Napalingon ako, nakita ko yung crush ko papalapit sakin. Hindi ako nagrespond sa tawag nya, tinignan ko lang sya. Baka magtatanong lang naman sya about sa project namin, masira pa yung pag-eemote ko. Tumabi sya sakin. In-fairness nakatayo lang sya, akala ko mag papapansin na naman.

Tumulo na luha ko. Ang babaw ko no? iniyakan ko yung puno. Masyado yata akong nadala, hindi na ako aware sa paligid. Biglang 0_o … naramdaman ko nalang bigla yung mga kamay nya, nakayakap sakin. 

Dear CenTree,

     Thank you for all the good and bad memories I ever had with you. Thank you sa napakalaking anino mo na nag-protect sa amin laban sa matinding init, at sa ulan narin. Thank you sa kapreskohan mong dala. Thank you dahil maraming namuong barkadahan, kaibigan, at relasyon sa katatambay sayo. Thank you at may napupuntahan ako pag gusto kong mag-isa, sa mga photo shoot ko na ikaw ang background. Ako na rin ang mag papasalamat para sa mga ibon at kung anu pang nilalang na naging tahanan ka. At thank you, nang dahil sayo, nagkaroon ako ng moment kay crush! Nakalibreng chancing ako! Huehue! Sorry nagawa ko pang unahin ang kaharutan ko sa pagkasira mo. ^^V  THANK YOU SO MUCH!!

-   Ellie

          Umuwi ako ng bahay ng medyo sabog. Ewan ko ba, nag-halo lang yata siguro ung feeling na wala na yung favourite spot ko, tas ung yinakap ako ng crush ko. Napapa-isip tuloy ako, napapadalas ata ang pagpapapansin nya. Linapitan nya ako sa puno ng walang ibang concern? Ako lang ba? Hindi naman sa assuming ako, napansin ko lang….

Mag-isang Umiibig nga kaya ako??

centree centennial tree short storry short story one shot